a brother-father or a father-brother?

Gaano ba kahirap maging tatay na kapatid kung umasta sa anak?  Eh gaano kahirap maging isang kuya na kelangang tumayo bilang ama para sa mga kapatid niya?  Ikaw sa palagay mo alin ang mas mahirap?  Ako?  Isa akong sa mga halimbawa ng isang "Brother-Father".

Isa ang pamilya ko sa mga hindi pinalad na magkaroon ng mabuting ama.  Bata pa lang ako ay namulat na sa mga bagay na hindi kaaya-aya para sa mata ng bata.  Ang tatay ko ay isang tao na hindi iniisip ang kinabukasan, "bahala na si batman" kung baga.  Isa siya sa milyon-milyong tao na nalulong sa ipinagbabawal na droga.  Para sa akin, wala naman sana ako pakialam kung gumagamit sya basta't nagagampanan nya ang pagiging haligi ng tahanan, pagiging asawa sa aking ina at pagiging ama sakin at aking mga kapatid.  Bukod sa hindi nya kayang gampanan, nakukuha pa niyang manakit na dapat siya'ng pumoprotekta sa kanyang pamilya.

Isang taon mahigit na ang nakakaraan ng tuluyan ng wakasan ng aking ina ang kanilang pagsasama, tatlong taon makalipas kong lisanin ang aming tahanan upang lumayo sa ganitong sistema.  Sumama sakin ang aking ina at namuhay ng normal.  Naiwan sa kanya ang aking mga kapatid ngunit nitong huli lamang ay tuluyan na din silang sumama sa amin.

Dito nagsimula ang tunay kong kalbaryo.  Mahirap pala tumayo bilang "AMA" sa mga kapatid lalo't puro kami lalaki.  Dati, hindi mahirap para sa akin ang pagiging nakatatandang kapatid sa kanila.  Hindi naman talaga ganon kahirap maliban nalang sa kapatid ko na sumunod sakin.  Halos nakuha niya ang lahat ng ugali ng aming ama na kinamumuhian kong talaga.  Bukod pa sa ugali, kinikimkim nya lahat ng nangyayari sa kanyang buhay.  Gusto ko man siyang tulungan, hindi ko alam kung paano dahil hindi ko alam kung ano talaga ang problema nya.  Kung may itatawag man ako sa kanya bilang bagong palayaw, "REBELDE" siguro ang "the best" para sa kanya.  Nasasaktan ko na nga siya sa sobrang katigasan ng ulo.  Minsan nga ay nasabihan ko siya ng "Si papa naging ganyan lang nung natutong mag droga, paano ka pa kaya?  Hindi ka pa nagdodroga ganyan kana!".  Ganon pa man, pipilitin ko pa din na intindihin siya kahit sobrang hirap talaga.

Ikaw ganito ka din ba kaswerte kaibigan?

2 comments:

Anonymous said...

sana kasing dali lang magresign sa trabaho sa ganitong mga sitwasyon. pero mahirap kasi baliktarin mo man ang mundo, pamilya pa rin natin sila. eto yung moment na nasasabi mong "suko na ako" Taas kamay at paa mo, pero hindi don natatapos lahat.

Unknown said...

kahit saan natin tignan.. may responsibility pa din tayo sa ating pamilya.. responsibilidad pero may limitasyon..

wag ka susuko.. lahat ng bagay may katapusan..

dahil habang sumusuko ka,, lalo lang dumadami ang problema.. dahil kapag sumuko ka.. ibig sabihin tinatakbuhan mo ang problema..

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails