Ang Buhay sa "Oblo"

     Walang tatawag gamit ang pangalan, puro "pare" lang tandaan nyo!  Sige pare!, sabi ng kanyang kasama...
Tara pare ayun sa FX puro babae ang pasahero!  Dali-dali silang sumakay at kasabay ang sambit na...
"HOLDAP TO!  WALANG GAGALAW WALLET AT CELLPHONE LANG KAILANGAN NAMIN BILIS!". Oh pare eto pa dalian nyo!  Tara na baba dali baba!...

     Tao po?  Aling Maring?  May tao ba diyan?...  Oh bakit Roger?  Sagot ni Aling Maring.  Eh meron ho sana akong iaalok sa inyo.  Ano ba iyan Roger?  Eto ho sanang Cellphone ko ibebenta ko sa inyo, NOKIA 8850 bago pa ho ito, nasa sampung libo pa ito sa Greenhills.  Bigay ko nalang sa iyo ng limang libo.  Ah eh ganon ba? Wala na bang bawas yan?  Tatlong libo lang meron ako eh.  Sagot ni Aling Maring.  Nako lugi na ako masyado pag binigay ko sayo ng tatlong libo to, sige sa iba ko nalang iaalok... Aba eh teka, teka titignan ko at baka meron pa akong nakatagong pera.

     Makalipas ang sampung minuto...  Eto ang limang libo Roger, kukunin ko na iyang telepono mo.  Sige ho Aling Maring salamat!  Sa uulitin ho!  Sige Iho salamat din!  Tugon ni Aling Maring.

     Oh eto ang parte mo, eto naman ang sakin.  Teka Roger wala ba akong picture dyan?  Bulong ng isa pa nilang kaibigan na nakakita ng pangyayari.  Anong picture, upakan kita diyan eh!  Sige na naman kahit isang daan lang.  Oh eto!  Sige na layas na at baka magbago pa ang isip ko.  Maraming salamat Roger!

    Tara inom tayo!  Madami daming pera tong nakuha natin!  Tawagin ang tropa.  Ilang sandali pa't nakahatag na ang madaming alak at isa-isa na rin nagdadatingan ang mga inimbitahan.  Tagay!  Hoy tagay mo na ungas wag mo kaming dayain wahahaha!  Gago tapos na ako hindi nyo lang nakita bobo!  HAHAHAHA!  Sabay-sabay na malalakas na tawa ang naririnig ng mga kapitbahay.  Pare eto pa ang pulutan, wag kayong mahiya madami pa tayong reserba.  Mag-enjoy lang kayo at sagot ko lahat yan!

     "May mga kalaban!"  "May mga kalaban na parating!"  Takbo pare andyan na ang mga Pulis!  Nagkagulo ang mga nagiinuman, kanya-kanyang takbo at parang mga "Lego" na nagkalasan.  "Pak" walang tatakbo!  Mga Pulis kami!  Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa looban.  Sige damputin lahat ng maabutan!
"Pak"  Isa pang putok.  At isa pa.  Dalin lahat sa presinto yang mga nahuli!

     Pangalan?  Sabi ko, anong pangalan mo?  Roger Tolentino ho.  San ka nakatira?  Sta. Mesa, dugtong nito.  Dali-dali naman ipinrisinta ng Pulis ang mga nahuli sa mga complainant.  Sila ho ba ang nang holdap sa inyo?  Sabay turo kila Roger at sa mga kasamahan nito.  Opo sila nga po!  Yan po, yan pong isa na yan ang nanutok ng baril sakin.  Habang mangiyak-ngiyak na itinuturo ng nagrereklamo si Roger.

    Hindi ko naman ginustong gawin ito!  Dala lang ng kahirapan at walang mga magulang na gumagabay sakin kaya nagka ganito ako.  Ikaw pare anong pangalan mo?  Lucas, sagot ng kausap.  Bat ka nandito?  Anong kaso mo?  Napatay ko ang tatay ko.  Eh ikaw anong kaso mo?  Robbery Hold - up at Illegal Possesion of Firearm.  Nangholdap ako ng FX tapos ayun nahuli kami ng mga parak!  Haha may nakakita pala samin kaya nasundan kami.  Ikaw bakit mo tinira Erpat mo?  Tanong ni Roger.  Sandaling katahimikan at nakatitig lang sa kawalan si Lucas.  Sinasaktan niya kasi ang nanay ko.  Hindi ko na natiis kaya nilabanan ko.  Nagdilim na ang aking paningin, hindi ko na alam kung anong mga sumunod na nangyari.  Buti ka pa may mga magulang.  Ako?  Naligaw ako ng landas dahil walang mga magulang na gumabay sakin.  Kaya eto, naging ganito ako.

     O Roger laya kana!  Wag ka na babalik dito ha?  Tandaan mo mas masarap ang buhay sa laya!  Mag-iingat ka lagi!  Bati ng Warden sa bagong laya na si Roger.  Salamat po Tata!  Dadalawin ko nalang po kayo haha.  Sa wakas laya na ako!  Hindi na ako babalik pa sa "Oblo".  Mabuti nga yan bata!  Marami ka pang mararating sa buhay.  Mag hanap-buhay ka ng marangal at bumuo ng pamilya!  Oho Tata!  Tatandaan ko ho yan, maraming salamat!  Paalam!

     Sana maging patas sakin ang buhay dito sa laya.  Masarap pala dito kesa sa loob ng kulungan.  Kailangan ko makahanap ng trabaho para makapag simula.

                                    -WAKAS-


Sa kasalukuyan, si Roger (hindi tunay na pangalan) ay namumuhay na ng marangal.  May dalawang anak at may mabait na asawa.  Tinanggap siya ng mga magulang ng kanyang napangasawa, sa kabila ng kanyang pinang galingan at mga naranasan.  Naregular din siya sa kanyang trabaho at nakakapag pundar na din ng mga kasangkapan sa malinis na paraan.  Hindi nya na binalikan ang dating buhay at kinalimutan ang mapait na nakaraan.  Sa ngayon, binubuo nya ang pamilya na ni minsan ay hindi nya naranasan at noon ay isang pangarap lamang.

Isa itong halimbawa ng tao na nanggaling sa putik ngunit nakabangon at sinusubukang linisin ang sarili.  Sana tularan ito ng iba pang mga kabataan na naliligaw ng landas.  Hindi dahilan ang kahit ano pang pagkukulang ng mga taong nakapaligid at ng mismong pamilya upang maiba ang landas na tatahakin.

Ito ay hango sa totoong kwento ng buhay na aking nasaksihan at nasubaybayan.  Sana ay nagustuhan nyo at maging aral para sa ating lahat.

1 comments:

aBIGwhale said...

Pak! tapos na eh wala ng wowowee.. :)

mabuti naman at ok na si roger.. at nag bagong buhay na..

meron kasi iba diyan, matanda na di pa din natututo.. at paulit ulit pa din ginagawa ang pag kakamali nila..

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails