Dead On The Arrival






Iilan ilan nalang sa atin ang hindi nakaka-alam sa makabagong laro 
na nauso ngayon gamit ang computer. Ito ang Defence Of The Ancients.
Kahit saang computer ay imposible na wala kang makikita o maririnig na tungkol
dito.  Maging ang mga magulang ay alam na DOTA ang tawag sa nilalaro ng
kanilang mga anak. 

Gaano nga ba kasarap maglaro ng DOTA?  Bakit ganito nalang kung
mahumaling ang mga kabataan dito?  Gaano ba kahirap balansehin ang oras
sa pag-aaral at sa paglalaro nito?  Ano ang solusyon sa bagay na ito?

Minsan din akong naglaro nito.  (Sa Edad kong 25 ay mahilig pa rin akong
maglaro ng computer.  "Kid at Heart" kung tawagin)
Nakakatuwa ito, makikipaglaban ka sa mga halimaw
na likha ng computer na kung tawagin ay, AI o Artificial Intelligence.
Maari mo ding kalabanin ang ibang tao na kasama mo sa
pamamagitan ng LAN Game o Local Area Network Game. Maari ding makalaban
maging ang mga tao sa ibang,ibang lugar pati na ang mga nasa
ibang bansa sa pamamagitan ng GG o Garena.


Nagandahan ako sa laro subalit habang tumatagal ay nakikita ko na paulit-ulit
lamang ang ginagawa ko.  Sa madaling salita, madali akong nagsawa.  Napaisip
ako na bakit ako ay nagsawa agad sa larong ito ngunit ang ibang kabataan ay
paulit-ulit, araw-araw, oras-oras nilalaro ito.

Marahil isa ito sa kanilang paraan upang ma-i "express" ang kanilang mga
saloobin.  Maari din na sa larong ito nila naipapakita na sila ay magaling,
o sila ay malakas.  Posible kaya na isa lang ito sa mga paraang alam nila
upang mawala sa kanilang isipan ang problema sa kanilang tahanan?

Mapagmasid ako sa ginagawa ng aking kapwa.  Mahilig akong mag analisa at
magbasa ng buhay, lalo na ang mga kabataan.  Mahilig akong makinig sa istorya
ng iba.  Pilit kong iniintindi ang bawat ugali ng taong nakakasalamuha ko.
Kadalasan sa mga kabataang ito ay may suliranin sa kanilang pamilya.
Hiwalay ang mga magulang, hindi makasundo ang mga kapatid, walang paki-alam
ang magulang, at marami pang iba.




Hindi kaya't nasa loob din ng tahanan ang solusyon para dito?  Tignan mo kaya?
baka sakaling hindi pa huli ang lahat para sa kabataang kasama mo sa bahay.
Mag hunos-dili ka, huwag mo basta-basta husgahan at baka ikaw mismo ay may pagkukulang din.
Maaari kayang hindi DOTA ang problema at nasa inyo mismo ang dahilan?

Masasabi ko siguro na minsan, hindi ang DOTA ang may kasalanan.  Maaring ikaw,
o ang mga kasama nila sa buhay ang dahilan kung bakit sila nagkakaganyan.
Subukan natin silang kausapin, tanungin.  Malay mo mas iprayoridad nila ang
pag-aaral kesa sa paglalaro nito, kung magtutulungan lang kayo.

1 comments:

aBIGwhale said...

ok lang naman mag laro. nag evolve na ang "games" simula noong bata ako.

dati patintero. habulan. chinese garter. meron at meron pa din nag lalaro ng mga yan. pero hindi na katulad ng dati.

mas "in" ngayon ang computer. Sabi nga sa news, ang mga bata, wala ng pera pero nakaka gawa ng paraan para makapag computer sa mga shop.

mali lang eh, sobra na. katulad ng mga ibang bata na hindi na nag papapasok dahil nalululon sa pag lalaro. dito dapat tumutok ang mga magulang.

anything in moderation is good. wag lang sosobra.

ako din naman nag lalaro ng online games, pero hindi na katulad ng dati, nag sawa na din ako. kasi paulit ulit lang ang ginagawa.

pang facebook nalang ako haha

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails