Mamang PULIS, magkano po ang kilo ng PATOLA?

3 comments
     Ilang araw pa lamang ang nakalipas nang mangyari ang hindi inaasahan.  Bidang-bida nanaman po tayo sa buong Mundo.  Isang PULIS ang nang-hostage ng isang bus na puno ng mga dayuhan na ang nais lamang ay masilayan ang ganda ng Pilipinas.  Mga tao na ang nais lamang ay magliwaliw sa ating Bansa.  Masasabi nga natin na isa lang itong Isolated Case, ngunit ganon pa man, sobrang kahihiyan ang naging pabuya nito sa ating Kapulisan at sa buong Bansa.

     Mga PULIS na dapat ay handa sa ano mang sitwasyon.  Ano ba naman ang mahigit Sampung Oras, hindi pa ba ito sapat para sa preparasyon para sa kanilang misyon?  Hindi ba nila naisip kung ano ang mga maaaring kailanganin nila para sa gagawin nilang ito?  Virgin ba ang Kapulisan sa mga ganitong kaganapan?  Ano ba ang tingin nila dito, isang pelikula na pwedeng ulit-ulitin kapag nagkamali sila?  Para saan pa ang pondong inilaan sa kanilang pag-aaral at pag papakadalubhasa kung ganito din lang naman pala.


     Nasubaybayan ko ang pangyayari, umaga pa lang ay naging bahagi na ako ng madugong eksena na ito.  Sunog ang aking balat dahil sa sobrang traffic dahil ako ay galing ng Parañaque at sa kasamaang palad ay kasama ang Roxas Blvd. sa mata-traffic at naka motor pa ako.  May inaway pa nga akong Traffic Police, sabi ko "bakit ayaw nyo pagamit yung flyover?", ang sagot sakin ay mayroon nga daw nagaganap na hostage taking.  Tsk tsk tsk! Tila yata sumabay sa init ng panahon ang init ng ulo ng Mamang PULIS na ito.  Hanggang gabi ay nakatutok ako sa telebisyon at binabantayan ang lahat ng magaganap.  Live! kong napanood ang napakasaklap na pangyayari.


     Para sa aking palagay, hindi naman siguro masamang pagbigyan ang kahilingan ng nagaalburutong Manong kung ang kapalit naman nito ay ang kasiguraduhan ng buhay ng mas nakararami.  Hindi ba nila isinaalang-alang na maaaring "bumigay ang tornilyo" ng taong ito kaya niya nagawa ang ganitong bagay?  Hindi naman terorista na maituturing si Mendoza hindi po ba?

     Sa kabila ng nangyari, awa pa din ang aking nadarama para kay Mendoza at sa kaniyang Pamilya.  Bakit? Dahil sa maling paraan na ginamit para sa kanya.  Isang simpleng "OO" lamang at maaaring natapos nang matiwasay ang trahedyang ito.  Isang "Oo" na may kaakibat na pang-unawa.  Hindi po ba sila dumaan sa Psychology na Subject nung kolehiyo pa lamang sila?  Alam naman po nila ang consequences ng ginawa ng taong ito at maaari pa din naman nilang ihabla pagkatapos nila itong pagbiyan sa nais nito.


     At ikaw Mamang Pulis, ang tapang mo po!  Ikaw po ba si "Robocop" para sumalang ka diyan ng walang kahit anong proteksyon na suot?  Anong Training po ba ang natapos mo?  Tila yata siguradong sigurado ka, kaya hindi mo na kailangan ng kahit anong proteksyon sa katawan.  Ito po ba ang halimbawa ng  mga Pulis na tagapagligtas kung tawagin?  Hindi ka po nagmukhang Bayani, lalo ka lang po nagmukhang katawa-tawa sa mata ng marami.




     Ang sarap po mag picture taking ano po?  Iyan ay sa kabila ng pagluluksa ng buong Bansa at ng buong Mundo.  Kasabay ng inyong mga ngiti sa background na iyan ay ang pagtangis ng mga nangungulila dahil sa pagkawala ng kanilang mga minamahal dahil sa trahedyang ito.  Ang titikas nyo pong tignan suot ang inyong mga unipormeng "props" lang naman.  Mamang PULIS, asan po ang iyong MORAL?

     Iyan po ba ang imaheng nais nating ipamukha sa mga tao lalo na sa mga dayuhan?  Ang walang kasiguraduhang paglalakbay sa bansang Pilipinas?  GISING!  May panahon pa.  Ituwid ang baluktot at itama ang mali.  Kayo po ay mga Mamang PULIS kaya't huwag po kayong PUMETIKS!  Hindi madaling makabawi, ngunit sana dumating ang panahon na ang nadungisan nyong imahe ay muling luminis.  

Pukpok dito, Kalikot doon

1 comments
    Hindi naman sa pagmamayabang, isa ako sa mga taong nabiyayaan ng maraming talento.  Madali kong natututunan ang mga bagay sa simpleng panonood lang nito.  Hindi ko man alam ang teknikal na mga katawagan para sa mga bagay na iyon ay alam ko kung paano pagaganahin o paano kukumpunihin.  Mr. Handy Man nga ang tawag sa akin ng aking asawa.

     Ilang fuse na ang pinasabog ko noong bata pa ako, ilang bombilya na ang nabasag ko, ilang beses na din akong kinilig dahil sa pagkakakuryente, ilang beses na akong napamura dahil napukpok ko ang aking mga daliri at kamay, nalagare ko na din ang ilang parte ng aking katawan at ilang mga kahoy na din ang nasira ko dahil dito.  Lahat ng mga pagkakamali ko ay naka marka sa aking balat, na nagpapa-alala na “mag ingat ka”.  Ano pa man ang mga kapalpakang nangyari sakin, hindi ako tumigil mag-aral, mag-imbestiga at mag-eksperimento sa mga bagay-bagay.

     Masasabi ko na isa ito sa iilang magandang bagay  na maari kong ipagmalaki na namana ko sa tatay ko (tulad ng pagluluto at pagiging mapamaraan).  Bago pa man ako pumasok sa elective (Electricity at Electronics) noong 3rd year at 4th year High School ay mayroon na akong basic na kaalaman kung paano gumagana ang kuryente.  Ilang beses na din ako nakapag kumpuni ng mga sirang Personal Computer bago ako kumuha ng Vocational Course para dito.  Nakapag set-up ako ng Computer Shop, magmula sa pag-gawa ng mga lamesa hanggang sa pag lilinya ng mga kable ng kuryente at maging sa pag po-program ng mga Computer ng walang pormal na pag-aaral sa pag-gawa nito.

     Kung tutuusin, hindi naman talaga mahirap gawin ang ilan sa mga ito.  Kailangan lang ng kaunting pag-unawa at maraming tyaga.  Hindi naman masamang magkamali, normal po ito.  Hindi din po mali na subukan.  Minsan lakas lang ng loob ang kailangan.  Matututo tayo paunti-unti sa pagta-try gawin ito.  Hindi ka makaka kuha ng “experience” kung wala kang gagawin.  Sige lang kumalikot ka, masira mo man, may natutunan ka pa din.

     Mahilig ako mag-ipon ng mga kagamitan, pang Electrician, pang Computer Technician, pang mekaniko, at maging ang pang mason.  Hindi pa ito kumpleto pero sinisikap ko na unti-unting magkaroon ng lahat ng ito.  Itinuturing ko din kasi ito na isang malaking investment.  Para sa akin, ang mga gamit na ito ay parang alahas na ginto.  Hindi ko man magamit pang palamuti ay nagagamit ko sa pang araw-araw na buhay at sa pag hahanap-buhay.  Ang Toolbox ang nagsisilbing Jewelry Box ko.

Para sa akin, ito ang ilan sa mga basic kagamitan na dapat ay mayroon ang isang lalaki (pwede din ang babae kung hilig din nya ito).

1.  Screwdriver (philip and flat)
2.  Martilyo at bareta de kabra
3.  Metro at lebel
4.  Lagareng pang kahoy at pang bakal
5.  Eskwala o ang tinatawag kong 45! :)
6.  Lapis o kahit anong pwedeng ipang marka
7.  Pliers , Long Nose and Cutter
8.  Electrical Tape
9.  Ice Pick and Knife (para sa akin usefull tong dalawa na to)
10. Multi-Tester at Continuity Tester
11. Kutsarang pang semento
12. Soldering Iron at Soldering Lead


Ito naman ang mga kagamitang kailangan mo kapag mag a-advance ka na.


1.  Barena o Electrical Drill at Drill Bits Set
2.  Grinder at Disc Set
3.  Welding Machine at Welding Rod
4.  Wrench Set


     Ilan sa mga nabanggit ay pangarap ko pa lang na magkaroon, dahil sa may kamahalan din bilhin (Kailan kaya ako makakabili?  Sana may mag sponsor!  Haha!).  Malaking bagay ang magkaroon ng ganitong mga gamit lalo na at alam mong gamitin.  Sana nakatulong sa inyo ang paksa na ito upang subukan din na matuto at huwag umasa na lang parati sa taong pwedeng bayaran.

Kaawa-awang Pera

3 comments
     Tila yata nakasanayan na ng mga Pinoy na magsulat ng kahit ano tuwing makakakita ng pluma o lapis.  Maglibot ka sa Pilipinas, agad mong makikita kung ano ang aking tinutukoy.  Pader, upuan, lamesa, sasakyan, salamin, kubeta, puno, maging sa salapi.

     "Need textmate: 0919987654321", "Pipoy pogi love Nenang ganda", "Mario kung nasan ka man, mahal na mahal kita.  Sana maisukli sa iyo ang perang ito para mabasa mo...Edna", "Put#@&#@ &*$ mo!  mamatay ka na sana!".  Ilan lang yan sa mga kadalasang makikita mo na extrang naka tatak sa pera ng Pilipinas.  O 'di kaya naman ay ang mga perang nilamukos na animo'y tissue na ipinahid sa kung ano, minsan naman ay itutupi nang pagkatupi-tupi na akala mo'y wala ng bukas.  Pati na din ang mga pera na akala mo'y coloring book na pati ang mga mukha na nasa pera ay nilalagyan ng desenyo at kulay.  Mayroon din minsan na akala mo ay mga alahas ito at ginagawang singsing.

     Bakit nga ba ito ginagawa ng mga Pilipino?  Trip lang ba nila talaga ito?  Sa Pilipinas lang ba uso ang ganito?  Ganito ba talaga kababa ang pagpapahalaga ng mga Pinoy sa pera?  Nasasalamin ba dito kung gaano at papaano tayo gumasta?  

     Araw-araw ay dumadapo sa aking mga kamay ang madaming piraso ng salapi.  Sa aming Computer Shop, sari-saring disenyo ang aking nakikita.  Mayroon pa nga'ng mga bata na hinuhugot sa kailaliman ng kanilang brief kapag sila ay nag babayad ng renta, hindi ba't nakaka-inis makita?

     Alam nyo ba na sa simpleng bagay lang na tulad nito ay malaki na ang maitutulong natin sa Pamahalaan?  Kapag ang salapi ay ating pinag-ingatan, ito ay magtatagal.  Ibig sabihin nito ay mas malaki ang matitipid ng Banko Sentral sa pag gawa ng mga bagong salapi.

     Lagi kong pinagagalitan ang mga bata na ganito ang ginagawa sa pera.  Habang bata pa lang ay dapat mamulat na sila na ang pera ay dapat iniingatan kahit sa ganitong paraan lamang.  Ipinauunawa ko sa kanila na hindi ito dapat ginagawa at dapat ay maawa sila sa pera.  Isa ito sa mga bagay na sana ay maiwasan ng mga tao, para sa kaunting respeto man lang sa mga taong nakatatak dito.

borrowed photo

borrowed photo
borrowed photo




Mga kaawa-awang Pera talaga...

R.O.T.C. / C.A.T I

1 comments
     Nitong huli lamang, napabalita sa telebisyon na nais ng militar na muling ibalik ang R.O.T.C. o ang Reserve Officers’ Training Course at muli itong gawing mandatory sa lahat ng Kolehiyo upang makatulong sa paglaban “daw” sa Terorismo at mga makakaliwang grupo laban sa GobyernoIbig sabihin, kailangan muna nang isang Estudyante na kumuha ng kursong ito bago makapag tapos.  Ibig kaya nitong sabihin ay ibabalik din ang C.A.T. I sa Sekundarya?
     Kung iisipin natin, marami din ang magandang maidudulot ng Kursong ito.  Magkakaroon ng disiplina ang mga Estudyante, gaganda ang kanilang mga pangangatawan, tatalas ang kanilang mga isipan at higit sa lahat, matututo sila na gumawa ng paraan sa anumang sitwasyon sa saglit na panahon lamang.
     Naging bahagi ako ng Kursong ito noong ako ay nasa High School pa.  Masasabi kong isa ito sa napakalaking piraso na bumubuo sa aking “High School Life”.  Sumali ako noong ako ay 3rd Year bilang isang “C.O.C.C.” o Cadet Officer Candidate Course.  Mahirap ito para sa isang kabataan na walang muwang sa hirap ng pag-ehersisyo at pagdidisiplina sa sarili.  Masaya dahil, kasama mo sa bawat hirap ang iyong mga kaibigan.  Dito din nagsimulang mabuo ang mga pagkakaibigang hanggang ngayon ay buo pa.  Dito din nagsimulang magkaron ng “rivalry” dahil nagnanais na makakuha ng mataas na posisyon.  Dito mo din unang makakasagupa ang salitang, “initiative”, (bibigyan ka ng piso tapos uutusan ka bumili ng inuming tubig na may kulay tapos kailangan ay may sukli pa!  Lakas maka loko no?  Yun pala inuuto ka na ng opisyal mo.  Pero huwag mag-alala, kasama pa din sa training yan.  Ito ang tinatawag na Pasensya!  Haha)  Sobrang dami ng adventure ang iyong mararanasan.  Napakaraming parusa din ang iyong dapat pag pawisan.  Nagtapos ako ng C.O.C.C. at nakuha ang pinakamataas na posisyon.  Ako ang naging Corps Commander sa aming Batch.  Sa kasamaang palad, hindi lahat ng sumasali dito ay nakakatapos, marami sa kanila ay hindi kinakaya ang hirap at ang iba naman ay conflict sa pag-aaral.
     Nang ako ay tumuntong ng 4th Year, dito ko naranasan ang buhay ng pagiging Officer na may pinakamataas na posisyon, na isang pangarap lamang datiNasa iyo lahat halos ng prebilehiyo sa inyong eskwelahan.  Nasa iyo din ang “pressure” kapag may pagkakamali ang iyong mga  Subordinates, maging ang mga kompetisyon na inyong sasalihan ay dapat mo ding pagtuunan ng napakaraming oras dahil ikaw ang “Front Liner”.  Dito ko din naintindihan na ang pagiging pinakamataas ay hindi lamang sarap ang kahulugan.  Lahat ng mali at tama sa iyong nasasakupan ay direktang tatama sa iyo.  Lahat ng mata ng mga magulang, mga guro at mismong Principal ay nakabantay sa iyo.
     Ang sarap tuloy magbalik “High School”.  Masasabi ko na ako ay sumasang-ayon sa nakararami na nagsasabi na, dito ang pinaka masayang parte ng buhay-aral.  Kung kayo ang tatanungin, sang-ayon ba kayo na ibalik ang kursong ito?  Eh sa mga mag-aaral, ayaw nyo ba maranasan ang hirap at sarap na dulot ng kursong ito?
     Hindi naman siguro nangangahulugan na kailangan mong sumali dito upang gamitin ka ng Gobyerno, kundi ikaw din mismo ang makikinabang nito.
     Narito ang ilang masasayang larawan namin nung kami ay High School.  (Thanks to Ms. Mary Jane Mendoza and Princess Bagacina and Hannah Reyna (pinag-aawayan po nila yung credit sa photos na ito) dahil naitago nyo ang mga pictures at pinayagan nyo akong hiramin ito hehe! Hope you guys will like it!)
29179_404008972392_578122392_4156234_6061922_n
29179_404041282392_578122392_4156982_28222_n
31963_10150188753585577_782480576_12428577_2136135_n
31963_10150188761730577_782480576_12428838_6778027_n
34146_10150218405100577_782480576_13312740_6758570_n
34146_10150218405115577_782480576_13312742_7356295_n     
34146_10150218405125577_782480576_13312744_768576_n

Ang Nanay ko ay GURO

3 comments
"Bakit ka ganyan?  Ang kulit-kulit mo, parang hindi Teacher ang Nanay mo!"



     Iyan ang mga katagang kinaiinisan ko nung maliit pa ako.  Naaalala ko nung bata ako, parang bawal mangulit kapag Teacher ang magulang mo.  Sabi ko pa nga dati, "bakit ba kasi Teacher pa naging Nanay ko eh... Nakakabwisit naman!".  Dapat pag Teacher ang Nanay mo, behave ka.  Para bang binabantayan lagi ang mga kilos mo, konting mali lang ay parang sobrang laki na ng nagawa mo.  Isa yan sa mga hindi ko makakalimutang parte ng pagkabata ko.


     Dalawang dekada na ang lumipas nang lubusan kong maintindihan ang tunay na halaga ng pagiging isang GURO.  Nalaman ko ang pasikot-sikot sa kanilang buhay.  Natutunan ko na ang pagiging isang Guro ay halintulad sa pagiging isang mabuting Ina.(Hmm..  Doblehin mo ng mga dalawampung beses)


     Alam nyo ba na sa Pilipinas, ang mga Guro ang isa sa mga may pinakamaliit na kinkita sa hanay ng Gobyerno?  Na ang mga Guro ay baon sa samut-saring mga pautang at halos tatlong bahagi ng kabuuan ng kanilang sweldo ay napupunta lamang sa paghuhulog nito?  Na ang mga Guro ay patuloy na nagtuturo sa mga kabataang ayaw intindihin ang itinuturo nila?  At ang mga Guro ay nagtityagang makakuha ng mga extra na kita (barya-barya po ang aking tinutukoy dito) upang maitawid lang ang buhay ng kanilang mga pamilya?

     Araw-araw kong nasasaksihan kung gaano katiyaga ang aking Ina.  Kung gano niya nahahati ang panahon niya sa aming magkakapatid at sa kanyang pagtuturo.  Sa kanya ko din natutunan ang pagtitipid.  Wala na marahil pa ang makakatapat sa mga tulad nila.


     Maaari nga na may iilan-ilan sa mga Guro ang naliligaw ng landas ngunit maliit na bahagi lamang ito kumpara sa iba na nagtityaga sa propesyong ito.  Marahil ay dala na din ito ng kahirapan.


Ngayon kung ako'y tatanungin, taas noo kong ipagsisigawan sa mundo...


"TEACHER ANG NANAY KO!"


     Ang artikulong ito ay inaalay ko sa aking mahal na Ina at sa mga katulad nyang Guro na patuloy na gumagabay at nagtuturo sa atin.  Saludo po ako sa inyo!


MABUHAY PO KAYO!




Blog - a - Holic!

0 comments
These past few days, after i created this blog, I'm having a hard-time
sleeping.  I think It's because, when I start to close my eyes, my mind
bursts with ideas. Mind you, its not just one, but as many as I could ever imagine.
I can't help but think of writing it immediately because I'm afraid that
I might forget everything the next day I wake up. Is this a syndrome or
something?  Or maybe I'm a Blog - a - holic?  Is there a word something
like that?

Do you experience the same thing or It's just me alone?  My wife will surely
get mad at me if she notices that I created this topic at 3 o'clock in the
morning.  Oh well!  What should I do?  She taught me how to blog, so now here
I am!  Writing and I keep on thinking if a particular idea is possible topic.

I'm now a BLOGGER! Yiha! (But not a proffesional one!haha)

HUDAS

0 comments
HUDAS 
by Bamboo

Pag sila'y nagiinumang masaya,
bakit sa lupa magulo
Pag sila'y nagtatawanang malakas,
tinatawanan lang tayo
Di kaya isang tropa lang sila mga demonyo,
San Pedro at ang Diyos

Tinatawanan lang ni Hudas
Ako't ikaw, tayong lahat
Tinatawanan lang ni Hudas
Ako't ikaw, tayong lahat

Balita ko'y may nag-away sa inyo
Dahil ba sa penoy at balot
Pinag-awayan at nagtalo
Sinong tama't totoo
Pinag-awayan si Jawo
Kung sana ay mamulat ang matang dilat
Nagiisa lang naman ang Diyos

Tinatawanan lang ni Hudas
Ako't ikaw, tayong lahat
Tinatagayan lang ni Hudas si Satanas,
At ating Diyos Ama.




Is it true?  Do you think it's true?
Paano nga kaya kung totoong ganito ang nangyayari?
May gana ka pa kayang magpakabait?
Makukuha mo pa kayang manampalataya?
Ano ang gagawin mo kung sakaling ganito ang tunay na nangyayari?
Hindi sa naniniwala ako pero...
Paano na?  Paano na nga kaya?  Paano?

Tena at mag JOYRIDE!

2 comments

Nasa Elementarya pa lang ako ay pangarap ko na ang magkaroon ng motorsiklo.
Natataandaan ko pa ang pamatay na modelo ng KAWASAKI, ang AR80.  Sino ba naman ang makakalimot dito lalo na sa mga mahihilig sa motor.



Lumipas ang mga taon at naglabasan ang mga bagong modelo ng motor.  Dito na sumikat ang HONDA XRM.  Naglabasan din ang sari-saring "modification" sa mga ito.  Halos araw-araw tinitignan ko ang presyo nito at hindi ko mapigilang hindi titigan kapag may dumadaan sa harapan ko na nakasakay sa ganito.  Nakaka inggit.  Halos lahat ng mga pinsan ko ay nakabili na subalit ako ay wala.



Dalawang taon na ang nakakalipas ng ako ay makabili ng sariling motor.  Pinili ko ang KAWASAKI Fury dahil hindi na masyadong kelangan ng modification.  Nagpalit lang ako ng open pipe at air filter.  Pinalitan ko na din ng undernet yung likurang bahagi at nagdagdag lang ako ng mga ilaw.



Pero sadya pala talagang walang kasiyahan ang tao.  Hindi na ako kuntento sa motor ko.  Gusto ko na itong palitan.  Naghahangad na ako ng mas mabilis.  Gusto ko ng SUZUKI Raider. Oo yan nga!  Ngunit wala naman akong pambili.  Masyadong mahal.  Kailan kaya ako magkakaron ng ganito?  Kailan kaya bababa ang presyo nito?  ASA pa ako! Hahaha.

Dead On The Arrival

1 comments





Iilan ilan nalang sa atin ang hindi nakaka-alam sa makabagong laro 
na nauso ngayon gamit ang computer. Ito ang Defence Of The Ancients.
Kahit saang computer ay imposible na wala kang makikita o maririnig na tungkol
dito.  Maging ang mga magulang ay alam na DOTA ang tawag sa nilalaro ng
kanilang mga anak. 

Gaano nga ba kasarap maglaro ng DOTA?  Bakit ganito nalang kung
mahumaling ang mga kabataan dito?  Gaano ba kahirap balansehin ang oras
sa pag-aaral at sa paglalaro nito?  Ano ang solusyon sa bagay na ito?

Minsan din akong naglaro nito.  (Sa Edad kong 25 ay mahilig pa rin akong
maglaro ng computer.  "Kid at Heart" kung tawagin)
Nakakatuwa ito, makikipaglaban ka sa mga halimaw
na likha ng computer na kung tawagin ay, AI o Artificial Intelligence.
Maari mo ding kalabanin ang ibang tao na kasama mo sa
pamamagitan ng LAN Game o Local Area Network Game. Maari ding makalaban
maging ang mga tao sa ibang,ibang lugar pati na ang mga nasa
ibang bansa sa pamamagitan ng GG o Garena.


Nagandahan ako sa laro subalit habang tumatagal ay nakikita ko na paulit-ulit
lamang ang ginagawa ko.  Sa madaling salita, madali akong nagsawa.  Napaisip
ako na bakit ako ay nagsawa agad sa larong ito ngunit ang ibang kabataan ay
paulit-ulit, araw-araw, oras-oras nilalaro ito.

Marahil isa ito sa kanilang paraan upang ma-i "express" ang kanilang mga
saloobin.  Maari din na sa larong ito nila naipapakita na sila ay magaling,
o sila ay malakas.  Posible kaya na isa lang ito sa mga paraang alam nila
upang mawala sa kanilang isipan ang problema sa kanilang tahanan?

Mapagmasid ako sa ginagawa ng aking kapwa.  Mahilig akong mag analisa at
magbasa ng buhay, lalo na ang mga kabataan.  Mahilig akong makinig sa istorya
ng iba.  Pilit kong iniintindi ang bawat ugali ng taong nakakasalamuha ko.
Kadalasan sa mga kabataang ito ay may suliranin sa kanilang pamilya.
Hiwalay ang mga magulang, hindi makasundo ang mga kapatid, walang paki-alam
ang magulang, at marami pang iba.




Hindi kaya't nasa loob din ng tahanan ang solusyon para dito?  Tignan mo kaya?
baka sakaling hindi pa huli ang lahat para sa kabataang kasama mo sa bahay.
Mag hunos-dili ka, huwag mo basta-basta husgahan at baka ikaw mismo ay may pagkukulang din.
Maaari kayang hindi DOTA ang problema at nasa inyo mismo ang dahilan?

Masasabi ko siguro na minsan, hindi ang DOTA ang may kasalanan.  Maaring ikaw,
o ang mga kasama nila sa buhay ang dahilan kung bakit sila nagkakaganyan.
Subukan natin silang kausapin, tanungin.  Malay mo mas iprayoridad nila ang
pag-aaral kesa sa paglalaro nito, kung magtutulungan lang kayo.

Ang Buhay sa "Oblo"

1 comments
     Walang tatawag gamit ang pangalan, puro "pare" lang tandaan nyo!  Sige pare!, sabi ng kanyang kasama...
Tara pare ayun sa FX puro babae ang pasahero!  Dali-dali silang sumakay at kasabay ang sambit na...
"HOLDAP TO!  WALANG GAGALAW WALLET AT CELLPHONE LANG KAILANGAN NAMIN BILIS!". Oh pare eto pa dalian nyo!  Tara na baba dali baba!...

     Tao po?  Aling Maring?  May tao ba diyan?...  Oh bakit Roger?  Sagot ni Aling Maring.  Eh meron ho sana akong iaalok sa inyo.  Ano ba iyan Roger?  Eto ho sanang Cellphone ko ibebenta ko sa inyo, NOKIA 8850 bago pa ho ito, nasa sampung libo pa ito sa Greenhills.  Bigay ko nalang sa iyo ng limang libo.  Ah eh ganon ba? Wala na bang bawas yan?  Tatlong libo lang meron ako eh.  Sagot ni Aling Maring.  Nako lugi na ako masyado pag binigay ko sayo ng tatlong libo to, sige sa iba ko nalang iaalok... Aba eh teka, teka titignan ko at baka meron pa akong nakatagong pera.

     Makalipas ang sampung minuto...  Eto ang limang libo Roger, kukunin ko na iyang telepono mo.  Sige ho Aling Maring salamat!  Sa uulitin ho!  Sige Iho salamat din!  Tugon ni Aling Maring.

     Oh eto ang parte mo, eto naman ang sakin.  Teka Roger wala ba akong picture dyan?  Bulong ng isa pa nilang kaibigan na nakakita ng pangyayari.  Anong picture, upakan kita diyan eh!  Sige na naman kahit isang daan lang.  Oh eto!  Sige na layas na at baka magbago pa ang isip ko.  Maraming salamat Roger!

    Tara inom tayo!  Madami daming pera tong nakuha natin!  Tawagin ang tropa.  Ilang sandali pa't nakahatag na ang madaming alak at isa-isa na rin nagdadatingan ang mga inimbitahan.  Tagay!  Hoy tagay mo na ungas wag mo kaming dayain wahahaha!  Gago tapos na ako hindi nyo lang nakita bobo!  HAHAHAHA!  Sabay-sabay na malalakas na tawa ang naririnig ng mga kapitbahay.  Pare eto pa ang pulutan, wag kayong mahiya madami pa tayong reserba.  Mag-enjoy lang kayo at sagot ko lahat yan!

     "May mga kalaban!"  "May mga kalaban na parating!"  Takbo pare andyan na ang mga Pulis!  Nagkagulo ang mga nagiinuman, kanya-kanyang takbo at parang mga "Lego" na nagkalasan.  "Pak" walang tatakbo!  Mga Pulis kami!  Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa looban.  Sige damputin lahat ng maabutan!
"Pak"  Isa pang putok.  At isa pa.  Dalin lahat sa presinto yang mga nahuli!

     Pangalan?  Sabi ko, anong pangalan mo?  Roger Tolentino ho.  San ka nakatira?  Sta. Mesa, dugtong nito.  Dali-dali naman ipinrisinta ng Pulis ang mga nahuli sa mga complainant.  Sila ho ba ang nang holdap sa inyo?  Sabay turo kila Roger at sa mga kasamahan nito.  Opo sila nga po!  Yan po, yan pong isa na yan ang nanutok ng baril sakin.  Habang mangiyak-ngiyak na itinuturo ng nagrereklamo si Roger.

    Hindi ko naman ginustong gawin ito!  Dala lang ng kahirapan at walang mga magulang na gumagabay sakin kaya nagka ganito ako.  Ikaw pare anong pangalan mo?  Lucas, sagot ng kausap.  Bat ka nandito?  Anong kaso mo?  Napatay ko ang tatay ko.  Eh ikaw anong kaso mo?  Robbery Hold - up at Illegal Possesion of Firearm.  Nangholdap ako ng FX tapos ayun nahuli kami ng mga parak!  Haha may nakakita pala samin kaya nasundan kami.  Ikaw bakit mo tinira Erpat mo?  Tanong ni Roger.  Sandaling katahimikan at nakatitig lang sa kawalan si Lucas.  Sinasaktan niya kasi ang nanay ko.  Hindi ko na natiis kaya nilabanan ko.  Nagdilim na ang aking paningin, hindi ko na alam kung anong mga sumunod na nangyari.  Buti ka pa may mga magulang.  Ako?  Naligaw ako ng landas dahil walang mga magulang na gumabay sakin.  Kaya eto, naging ganito ako.

     O Roger laya kana!  Wag ka na babalik dito ha?  Tandaan mo mas masarap ang buhay sa laya!  Mag-iingat ka lagi!  Bati ng Warden sa bagong laya na si Roger.  Salamat po Tata!  Dadalawin ko nalang po kayo haha.  Sa wakas laya na ako!  Hindi na ako babalik pa sa "Oblo".  Mabuti nga yan bata!  Marami ka pang mararating sa buhay.  Mag hanap-buhay ka ng marangal at bumuo ng pamilya!  Oho Tata!  Tatandaan ko ho yan, maraming salamat!  Paalam!

     Sana maging patas sakin ang buhay dito sa laya.  Masarap pala dito kesa sa loob ng kulungan.  Kailangan ko makahanap ng trabaho para makapag simula.

                                    -WAKAS-


Sa kasalukuyan, si Roger (hindi tunay na pangalan) ay namumuhay na ng marangal.  May dalawang anak at may mabait na asawa.  Tinanggap siya ng mga magulang ng kanyang napangasawa, sa kabila ng kanyang pinang galingan at mga naranasan.  Naregular din siya sa kanyang trabaho at nakakapag pundar na din ng mga kasangkapan sa malinis na paraan.  Hindi nya na binalikan ang dating buhay at kinalimutan ang mapait na nakaraan.  Sa ngayon, binubuo nya ang pamilya na ni minsan ay hindi nya naranasan at noon ay isang pangarap lamang.

Isa itong halimbawa ng tao na nanggaling sa putik ngunit nakabangon at sinusubukang linisin ang sarili.  Sana tularan ito ng iba pang mga kabataan na naliligaw ng landas.  Hindi dahilan ang kahit ano pang pagkukulang ng mga taong nakapaligid at ng mismong pamilya upang maiba ang landas na tatahakin.

Ito ay hango sa totoong kwento ng buhay na aking nasaksihan at nasubaybayan.  Sana ay nagustuhan nyo at maging aral para sa ating lahat.
Related Posts with Thumbnails