Kaawa-awang Pera

     Tila yata nakasanayan na ng mga Pinoy na magsulat ng kahit ano tuwing makakakita ng pluma o lapis.  Maglibot ka sa Pilipinas, agad mong makikita kung ano ang aking tinutukoy.  Pader, upuan, lamesa, sasakyan, salamin, kubeta, puno, maging sa salapi.

     "Need textmate: 0919987654321", "Pipoy pogi love Nenang ganda", "Mario kung nasan ka man, mahal na mahal kita.  Sana maisukli sa iyo ang perang ito para mabasa mo...Edna", "Put#@&#@ &*$ mo!  mamatay ka na sana!".  Ilan lang yan sa mga kadalasang makikita mo na extrang naka tatak sa pera ng Pilipinas.  O 'di kaya naman ay ang mga perang nilamukos na animo'y tissue na ipinahid sa kung ano, minsan naman ay itutupi nang pagkatupi-tupi na akala mo'y wala ng bukas.  Pati na din ang mga pera na akala mo'y coloring book na pati ang mga mukha na nasa pera ay nilalagyan ng desenyo at kulay.  Mayroon din minsan na akala mo ay mga alahas ito at ginagawang singsing.

     Bakit nga ba ito ginagawa ng mga Pilipino?  Trip lang ba nila talaga ito?  Sa Pilipinas lang ba uso ang ganito?  Ganito ba talaga kababa ang pagpapahalaga ng mga Pinoy sa pera?  Nasasalamin ba dito kung gaano at papaano tayo gumasta?  

     Araw-araw ay dumadapo sa aking mga kamay ang madaming piraso ng salapi.  Sa aming Computer Shop, sari-saring disenyo ang aking nakikita.  Mayroon pa nga'ng mga bata na hinuhugot sa kailaliman ng kanilang brief kapag sila ay nag babayad ng renta, hindi ba't nakaka-inis makita?

     Alam nyo ba na sa simpleng bagay lang na tulad nito ay malaki na ang maitutulong natin sa Pamahalaan?  Kapag ang salapi ay ating pinag-ingatan, ito ay magtatagal.  Ibig sabihin nito ay mas malaki ang matitipid ng Banko Sentral sa pag gawa ng mga bagong salapi.

     Lagi kong pinagagalitan ang mga bata na ganito ang ginagawa sa pera.  Habang bata pa lang ay dapat mamulat na sila na ang pera ay dapat iniingatan kahit sa ganitong paraan lamang.  Ipinauunawa ko sa kanila na hindi ito dapat ginagawa at dapat ay maawa sila sa pera.  Isa ito sa mga bagay na sana ay maiwasan ng mga tao, para sa kaunting respeto man lang sa mga taong nakatatak dito.

borrowed photo

borrowed photo
borrowed photo




Mga kaawa-awang Pera talaga...

3 comments:

Renz said...

Wow! may blog ka na mot! Yay!

Welcome to the blogosphere! :)

I followed you.

nhad said...

thanks mot! :)

Ayhssa Continedas said...

Kuya nhad bkit nga b may mga taong ganito???? hindi b nila alam kung gaano kahirap kumita ng pera sa panahon ngayon n mahirap ang buhay. Sana maappreciate nla ang mga bagay n meron cla.

Tama kuya nhad respeto n rin sa mga bayaning nagsilbi at naglingkod sa bayan n nkatatak salapi...Sana nman pahalagahan nla i2 pra makatulong cla sa bayan......

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails