Ang Nanay ko ay GURO

"Bakit ka ganyan?  Ang kulit-kulit mo, parang hindi Teacher ang Nanay mo!"



     Iyan ang mga katagang kinaiinisan ko nung maliit pa ako.  Naaalala ko nung bata ako, parang bawal mangulit kapag Teacher ang magulang mo.  Sabi ko pa nga dati, "bakit ba kasi Teacher pa naging Nanay ko eh... Nakakabwisit naman!".  Dapat pag Teacher ang Nanay mo, behave ka.  Para bang binabantayan lagi ang mga kilos mo, konting mali lang ay parang sobrang laki na ng nagawa mo.  Isa yan sa mga hindi ko makakalimutang parte ng pagkabata ko.


     Dalawang dekada na ang lumipas nang lubusan kong maintindihan ang tunay na halaga ng pagiging isang GURO.  Nalaman ko ang pasikot-sikot sa kanilang buhay.  Natutunan ko na ang pagiging isang Guro ay halintulad sa pagiging isang mabuting Ina.(Hmm..  Doblehin mo ng mga dalawampung beses)


     Alam nyo ba na sa Pilipinas, ang mga Guro ang isa sa mga may pinakamaliit na kinkita sa hanay ng Gobyerno?  Na ang mga Guro ay baon sa samut-saring mga pautang at halos tatlong bahagi ng kabuuan ng kanilang sweldo ay napupunta lamang sa paghuhulog nito?  Na ang mga Guro ay patuloy na nagtuturo sa mga kabataang ayaw intindihin ang itinuturo nila?  At ang mga Guro ay nagtityagang makakuha ng mga extra na kita (barya-barya po ang aking tinutukoy dito) upang maitawid lang ang buhay ng kanilang mga pamilya?

     Araw-araw kong nasasaksihan kung gaano katiyaga ang aking Ina.  Kung gano niya nahahati ang panahon niya sa aming magkakapatid at sa kanyang pagtuturo.  Sa kanya ko din natutunan ang pagtitipid.  Wala na marahil pa ang makakatapat sa mga tulad nila.


     Maaari nga na may iilan-ilan sa mga Guro ang naliligaw ng landas ngunit maliit na bahagi lamang ito kumpara sa iba na nagtityaga sa propesyong ito.  Marahil ay dala na din ito ng kahirapan.


Ngayon kung ako'y tatanungin, taas noo kong ipagsisigawan sa mundo...


"TEACHER ANG NANAY KO!"


     Ang artikulong ito ay inaalay ko sa aking mahal na Ina at sa mga katulad nyang Guro na patuloy na gumagabay at nagtuturo sa atin.  Saludo po ako sa inyo!


MABUHAY PO KAYO!




3 comments:

Anonymous said...

Proud to know that ur mom is a TEACHER!, keep blogging sir.. kudos! ;) -luke

Leng said...

Student teacher me now.. Totoo na napakahirap maging teacher lalo na sa public school.. Kulang sa mga kagamitan sa loob ng classroom, yun eh kung may sapat na classrom.. Kaya ang ginagawa ko nalang minsan kung may mga materials man ako for hat specific topic binibigay ko sa coordinating teacher ko.. Kahit papaano dagdag reference na din yun..
Kung minsan nga may mga esudyante na hindi nirerespeto ang teacher nila..
Kaya base on experience hindi biro maging teacher.. ang laking responsibility once na maging teacher ka..
Teacher is not a Profession, its a Vocation...

Anonymous said...

...salamat sa mga anak ng mga gurong tulad ko na napapahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kanilang mga magulang kasabay ang araw-araw na pakikibaka sa buhay, sa kabila ng kahirapan.
...salamat anak at sa wakas ay naunawaan mo ang katuturan at kabuluhan ng pagkakaroon ng isang inang guro.Pati hilig sa pagsusulat ay namana mo na din sa akin.
...remember, si nanay mo noon ay naranasang magwagi sa mga patimpalak sa pagsulat ng sanaysay, lumahok at minsan ding nag-uwi ng karangalan sa quezon city high school dahil sa paglahok sa division press conference...editorial writing 3rd placer, interview-writing 1st placer, 2nd highest individual pointer.
...salamat kay mam rodriquez sa pagtitiwala at pagbibigay pagkakataon sa kin bagamat d ako ganun ka popular nun sa skul.
...d siya nabigo, d ko sya binigo.Sapagkat nuong pagkakataong iyon, nahigitan ko ang mga kamag-aral kong nahirang na editor. Ako'y isang karaniwang tagapagbalita lang nuon.
...keep up the good work SON. I'm so proud of you. D man natupad pangarap ko sa yo na makapagtapos ng pag-aaral, alam kong sinisikap mo pa ding umunlad sa sarili mong mga paraan.
...Galing mo!<^>

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails