Mamang PULIS, magkano po ang kilo ng PATOLA?

     Ilang araw pa lamang ang nakalipas nang mangyari ang hindi inaasahan.  Bidang-bida nanaman po tayo sa buong Mundo.  Isang PULIS ang nang-hostage ng isang bus na puno ng mga dayuhan na ang nais lamang ay masilayan ang ganda ng Pilipinas.  Mga tao na ang nais lamang ay magliwaliw sa ating Bansa.  Masasabi nga natin na isa lang itong Isolated Case, ngunit ganon pa man, sobrang kahihiyan ang naging pabuya nito sa ating Kapulisan at sa buong Bansa.

     Mga PULIS na dapat ay handa sa ano mang sitwasyon.  Ano ba naman ang mahigit Sampung Oras, hindi pa ba ito sapat para sa preparasyon para sa kanilang misyon?  Hindi ba nila naisip kung ano ang mga maaaring kailanganin nila para sa gagawin nilang ito?  Virgin ba ang Kapulisan sa mga ganitong kaganapan?  Ano ba ang tingin nila dito, isang pelikula na pwedeng ulit-ulitin kapag nagkamali sila?  Para saan pa ang pondong inilaan sa kanilang pag-aaral at pag papakadalubhasa kung ganito din lang naman pala.


     Nasubaybayan ko ang pangyayari, umaga pa lang ay naging bahagi na ako ng madugong eksena na ito.  Sunog ang aking balat dahil sa sobrang traffic dahil ako ay galing ng Parañaque at sa kasamaang palad ay kasama ang Roxas Blvd. sa mata-traffic at naka motor pa ako.  May inaway pa nga akong Traffic Police, sabi ko "bakit ayaw nyo pagamit yung flyover?", ang sagot sakin ay mayroon nga daw nagaganap na hostage taking.  Tsk tsk tsk! Tila yata sumabay sa init ng panahon ang init ng ulo ng Mamang PULIS na ito.  Hanggang gabi ay nakatutok ako sa telebisyon at binabantayan ang lahat ng magaganap.  Live! kong napanood ang napakasaklap na pangyayari.


     Para sa aking palagay, hindi naman siguro masamang pagbigyan ang kahilingan ng nagaalburutong Manong kung ang kapalit naman nito ay ang kasiguraduhan ng buhay ng mas nakararami.  Hindi ba nila isinaalang-alang na maaaring "bumigay ang tornilyo" ng taong ito kaya niya nagawa ang ganitong bagay?  Hindi naman terorista na maituturing si Mendoza hindi po ba?

     Sa kabila ng nangyari, awa pa din ang aking nadarama para kay Mendoza at sa kaniyang Pamilya.  Bakit? Dahil sa maling paraan na ginamit para sa kanya.  Isang simpleng "OO" lamang at maaaring natapos nang matiwasay ang trahedyang ito.  Isang "Oo" na may kaakibat na pang-unawa.  Hindi po ba sila dumaan sa Psychology na Subject nung kolehiyo pa lamang sila?  Alam naman po nila ang consequences ng ginawa ng taong ito at maaari pa din naman nilang ihabla pagkatapos nila itong pagbiyan sa nais nito.


     At ikaw Mamang Pulis, ang tapang mo po!  Ikaw po ba si "Robocop" para sumalang ka diyan ng walang kahit anong proteksyon na suot?  Anong Training po ba ang natapos mo?  Tila yata siguradong sigurado ka, kaya hindi mo na kailangan ng kahit anong proteksyon sa katawan.  Ito po ba ang halimbawa ng  mga Pulis na tagapagligtas kung tawagin?  Hindi ka po nagmukhang Bayani, lalo ka lang po nagmukhang katawa-tawa sa mata ng marami.




     Ang sarap po mag picture taking ano po?  Iyan ay sa kabila ng pagluluksa ng buong Bansa at ng buong Mundo.  Kasabay ng inyong mga ngiti sa background na iyan ay ang pagtangis ng mga nangungulila dahil sa pagkawala ng kanilang mga minamahal dahil sa trahedyang ito.  Ang titikas nyo pong tignan suot ang inyong mga unipormeng "props" lang naman.  Mamang PULIS, asan po ang iyong MORAL?

     Iyan po ba ang imaheng nais nating ipamukha sa mga tao lalo na sa mga dayuhan?  Ang walang kasiguraduhang paglalakbay sa bansang Pilipinas?  GISING!  May panahon pa.  Ituwid ang baluktot at itama ang mali.  Kayo po ay mga Mamang PULIS kaya't huwag po kayong PUMETIKS!  Hindi madaling makabawi, ngunit sana dumating ang panahon na ang nadungisan nyong imahe ay muling luminis.  

3 comments:

aBIGwhale said...

nakakahiya talaga sila.. katulad nalang ng sabi ni pao;

SWAT Sulong. Wait. Atras. Tago

ganyan tyo.. kulang na kulang sa training.. nakakahiya talaga...

Renz said...

sa akin lang ha, hinde kasalanan nang mga kapulisan kung kulang sila sa training at equipments. Biktima din sila nang tiwaling pamahalaan. Ang may mga mali dito ay ang mga amo o boss nang mga kawawang pulis na yan. Aklain mong sumugod sila nang walang tamang armas samantalang ang mga amo at boss nila ay prenteng prente sa pag upo at pag nuod.

Anonymous said...

gago nga mga tae na yan!!

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails