R.O.T.C. / C.A.T I

     Nitong huli lamang, napabalita sa telebisyon na nais ng militar na muling ibalik ang R.O.T.C. o ang Reserve Officers’ Training Course at muli itong gawing mandatory sa lahat ng Kolehiyo upang makatulong sa paglaban “daw” sa Terorismo at mga makakaliwang grupo laban sa GobyernoIbig sabihin, kailangan muna nang isang Estudyante na kumuha ng kursong ito bago makapag tapos.  Ibig kaya nitong sabihin ay ibabalik din ang C.A.T. I sa Sekundarya?
     Kung iisipin natin, marami din ang magandang maidudulot ng Kursong ito.  Magkakaroon ng disiplina ang mga Estudyante, gaganda ang kanilang mga pangangatawan, tatalas ang kanilang mga isipan at higit sa lahat, matututo sila na gumawa ng paraan sa anumang sitwasyon sa saglit na panahon lamang.
     Naging bahagi ako ng Kursong ito noong ako ay nasa High School pa.  Masasabi kong isa ito sa napakalaking piraso na bumubuo sa aking “High School Life”.  Sumali ako noong ako ay 3rd Year bilang isang “C.O.C.C.” o Cadet Officer Candidate Course.  Mahirap ito para sa isang kabataan na walang muwang sa hirap ng pag-ehersisyo at pagdidisiplina sa sarili.  Masaya dahil, kasama mo sa bawat hirap ang iyong mga kaibigan.  Dito din nagsimulang mabuo ang mga pagkakaibigang hanggang ngayon ay buo pa.  Dito din nagsimulang magkaron ng “rivalry” dahil nagnanais na makakuha ng mataas na posisyon.  Dito mo din unang makakasagupa ang salitang, “initiative”, (bibigyan ka ng piso tapos uutusan ka bumili ng inuming tubig na may kulay tapos kailangan ay may sukli pa!  Lakas maka loko no?  Yun pala inuuto ka na ng opisyal mo.  Pero huwag mag-alala, kasama pa din sa training yan.  Ito ang tinatawag na Pasensya!  Haha)  Sobrang dami ng adventure ang iyong mararanasan.  Napakaraming parusa din ang iyong dapat pag pawisan.  Nagtapos ako ng C.O.C.C. at nakuha ang pinakamataas na posisyon.  Ako ang naging Corps Commander sa aming Batch.  Sa kasamaang palad, hindi lahat ng sumasali dito ay nakakatapos, marami sa kanila ay hindi kinakaya ang hirap at ang iba naman ay conflict sa pag-aaral.
     Nang ako ay tumuntong ng 4th Year, dito ko naranasan ang buhay ng pagiging Officer na may pinakamataas na posisyon, na isang pangarap lamang datiNasa iyo lahat halos ng prebilehiyo sa inyong eskwelahan.  Nasa iyo din ang “pressure” kapag may pagkakamali ang iyong mga  Subordinates, maging ang mga kompetisyon na inyong sasalihan ay dapat mo ding pagtuunan ng napakaraming oras dahil ikaw ang “Front Liner”.  Dito ko din naintindihan na ang pagiging pinakamataas ay hindi lamang sarap ang kahulugan.  Lahat ng mali at tama sa iyong nasasakupan ay direktang tatama sa iyo.  Lahat ng mata ng mga magulang, mga guro at mismong Principal ay nakabantay sa iyo.
     Ang sarap tuloy magbalik “High School”.  Masasabi ko na ako ay sumasang-ayon sa nakararami na nagsasabi na, dito ang pinaka masayang parte ng buhay-aral.  Kung kayo ang tatanungin, sang-ayon ba kayo na ibalik ang kursong ito?  Eh sa mga mag-aaral, ayaw nyo ba maranasan ang hirap at sarap na dulot ng kursong ito?
     Hindi naman siguro nangangahulugan na kailangan mong sumali dito upang gamitin ka ng Gobyerno, kundi ikaw din mismo ang makikinabang nito.
     Narito ang ilang masasayang larawan namin nung kami ay High School.  (Thanks to Ms. Mary Jane Mendoza and Princess Bagacina and Hannah Reyna (pinag-aawayan po nila yung credit sa photos na ito) dahil naitago nyo ang mga pictures at pinayagan nyo akong hiramin ito hehe! Hope you guys will like it!)
29179_404008972392_578122392_4156234_6061922_n
29179_404041282392_578122392_4156982_28222_n
31963_10150188753585577_782480576_12428577_2136135_n
31963_10150188761730577_782480576_12428838_6778027_n
34146_10150218405100577_782480576_13312740_6758570_n
34146_10150218405115577_782480576_13312742_7356295_n     
34146_10150218405125577_782480576_13312744_768576_n

1 comments:

Ayhssa said...

Dapat lng ibalik ang CAT at ROTC... Isa lng itong preparation sa mas maraming pagsubok n kahaharapin sa labas ng paaralan.. Ang hirap sa totoong mundo... Isa rin kc ako sa mga estudyante n nagtake ni2 noong nagaaral p lng ako. Ang hirap ng training ... sobrang hirap marami ang sumusuko kaagad ayaw ng harapin ang mga pagsubok n darating... ang mga malalakas n may tibay ng katawan, puso at isip lamang ang nagtatagal.. Kung dito p lng sumusuko n cla, paano n kya sa labas ng paaralan????? D b mas mahirap at maraming pagsubok ang naghihintay sa knila sa labas ng paaralan... Kya nga may CAT at ROTC pra patatagin ang mga estudyante at maging handa sa kung anong hirap at pagsubok n pwede nilang harapin...

Kung tutuusin mas magiging maunlad ang bayan ntin kung mas marami ang mamamayan n responsable at may disiplina sa sarili.....

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails